Friday, March 4, 2011

PILIPINO AKO-sigurado ka?

PILIPINO AKO- nakasulat sa hindi mabilang na tshirt, nakadikit sa mga sasakyan, ginawang keychain,tattoo at ano ano pa...

PILIPINO AKO- sigurado ka??????

PILIPINO KA BA? ikaw na mas pipiliin kumain ng naglalakihang burger at fries kesa sa tuyo,tinapa o daing... ikaw na ilang daang beses na pumasok sa mga kilalang tindahan ng damit gaya ng MANGO, GUESS at iba pa pero hindi nalalaman na may isang tindahan pala na nagngangalang KULTURA PILIPINO.
oo ikaw. ikaw hunghang ka na humahalakhak sa tuwing nagsasalita ng mali maling ingles si pacquiao pero nakyukyutan sa mga banyaga na nagpupumilit matuto ng tagalog...
ikaw na natutong makinig sa lahat ng uri ng musika- rnb,metal,rock,hiphop,emo....lahat napakingan mo na... OPM na lang ang hindi....

PILIPINO KA? ikaw na hindi magawang tulungan ang isang matandang pilipinang babae na tumawid ng kalsada pero nagkukumahog na buhatin ang bagahe ng isang banyaga na mas malaki nang di hamak sayo....

ikaw, kayo, tayo na ang tawag sa mga kasambahay na nagtratrabaho sa ibang bansa ay DOMESTIC HELPER samantalang ang mga kasambahay dito sa pilipinas ay tinatawag nating KATULONG. ano ang pinagkaiba nila? wala, maliban lang sa pagkakataon na ang amo ng isang domestic helper ay BANYAGA....

 PILIPINO ka bang matatawag kung mas interesado ka pa kung magkano naibenta ang buhok ni justin bieber kesa sa kalagayan ng mga pilipino sa libya????

ikaw na nakababad maghapon magdamag sa HBO pero hindi alam na may himpilan palang CINEMA ONE sa cable tv...
at ikaw na daang beses nang napanood ang twilight saga ngunit walang alam ni isang pelikula na kasali sa metro manila filmfest..

bakit pilit mong ginagaya ang tono ng pananalita ni harry potter habang kinukutya mo ang punto ng mga probinsyano???bakit?? pareho lang sila na hindi marunong mag tagalog ungas....

ikaw tarantado ka na magtatapon ng malaking pera makabili lang ng naglalakihang sapatos na mukhang sasakyang pangkalawakan mula sa ADIDAS o NIKE...pero hinding hindi ka magsusuot ng sapatos na gawa sa marikina....

ikaw na hindi kakain makabili lang ng glutathione para pumuti at mawala ang likas mong kulay...para maging kamukha mo ang iniidolong mong aktres sa hollywood...dahil iniisip mo na hindi ka maganda kung hindi ka maputi...

sa araw araw mong pagsagupa sa buhay, maraming pagkakataon para patunayan mo ang katagang PILIPINO AKO....pero bakit pinalalampas mo?

ang watawat ay sagisag ng ating bayan, larawan ng ating pagiging pilipino...
hindi ito palamuti na ilalagay mo sa tshirt mo o ididikit sa sasakyan mo.

PILIPINO KA- sa salita, oo. pero sa isip at gawa,malabo...


kung tinatamaan ka, TANGINA MO
hindi ka tunay na pilipino




No comments:

Post a Comment